
Panatang Siklista (Biker’s Oath)
Iniibig ko ang pagpadyak.
Ito ang aking kasiyahan.
Bilang siklista, ako ay may respeto sa lahat ng bagay sa ‘king paligid.
Iiwas ako sa mga naglalakad at tumatawid; at di maging balakid!
Magiging mulat ako sa mga bagay bagay
Gagamitin ko ang bisikleta para guminhawa ang aking buhay.
Ako ay sasakay para makalakbay patungo sa aking destinasyon,
Marami ka ng makikita, nakapag-ehersisyo ka pa ng mahinahon.
Sisikapin kong respetuhin ang mga batas trapiko
at sa daan, wag maging perwisyo.
Panatang Siklista



